-- Advertisements --
Naglunsad na ng bayanihan ang samahan ng mga pribadong kumpanya sa bansa para tulungan ang mga bikitma ng mapaminsalang lindol sa Mindanao.
Pinangunahan ito ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) isang private sector para sa mga disaster managment sa pangangasiwa ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Manuel V. Pangilinan at Jaime Augusto Zobel de Ayala.
Ayon kay Zobel na nagpahayag ng tulong ang mga negosyante sa bansa.
Naglabas na rin ang PDRF ng mga initial na listahan ng companies and foundations na tumutulong para sa mga apektadong pamilya.
Taong 2009 ng itaguyod ang nasabing grupo para matulungan noon sa mga nasalanta ng ‘Ondoy’.