Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroong mga maliliit na grupo ng Philippine Offshore Gaming Operators na nagtatayo o bumubuo ng mga residential areas para magtago sa mga otoridad.
Ginawa ng ahensya ang naturang pahayag matapos na iharap nito sa publiko ang labing pitong mga foreign nationals na naaresto sa ikinasang operasyon sa Makati City.
Huli sa akto ang mga ginagawang ilegal na aktibidad ng nasabing mga foreign national kabilang na ang love scams crypto scams.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division Chief Jeremy Lotoc ang modus ng mga ito.
Aniya, kumukuha ang mga banyaga ng sapat na impormasyon at magsasagawa ng background investigation sa kanilang mga target.
Tinutukoy ng mga ito ang mga sumusunod; character, hobby, daily activities at mga pag-aari ng kanilang activities.
Ang nasabing mga grupo ay mula naman sa mga malalaking kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operator sa bansa.
Tiniyak naman ng NBI na magpapatuloy ang ganitong uri ng operasyon para maubos ang POGO sa Pilipinas.