-- Advertisements --

May ilang kahandaan na ang ilang mga malls sa Metro Manila sakaling magdesisyon ang gobyerno na ilagay sa Alert Level 1 ang COVID-19 restrictions.

Ilan sa mga mall owners ang nagpaplanong maglagay ng dagdag na health marshalls na siyang sisita sa mga customers.

Patuloy din aniya ang operasyon ng mga bakunahan sa loob ng mga malls.

Halos lahat aniya ng mga mall owners ay sang-ayon sa paglalagay na ng mas maluwag na restrictions para makabawi ang mga apektadong maliliit na negosyante.

Magugunitang nakatakdang ianunsiyo ng Inter-Agency Task Force kung pananatilihin ba o luluwagan na ang Alert Level status ng Metro Manila.