-- Advertisements --
Nagpasya ang ilang mga malls sa Metro Manila na pansamantalang magsara ng isang buwan dahil sa ipinapatupad na community quarantine.
Simula sa Marso 16, 2020 isasara ng SM Supermalls, Ayala Malls, Star Malls, Robinsons Forum at Robinsons Metro East at Vista Malls.
Sinabi ni SM Supermalls President Steven Tan, na nakikipag-ugnayan sila sa mga local government units at susunod sa anumang resolution.
Ilan sa mga lugar na nagpasa ng resolutions sa temporaryong pagpapasara ng mga malls ay ang Makati, Pasay, Pasig at Mandaluyong.
Sinabi naman ni Ayala Malls president Jennylle Tupas na lahat ng kanilang mga malls ay sarado.
Magiging bukas naman ang mga supermarkets, hardware stors, banko at restaurants na may food delivery services.