CENTRAL MINDANAO-Magtitipon ang mga mamamahayag at pamilya ng mga biktima ng karumal-dumal na masaker sa probinsya ng Maguindanao kung saan magsisindi ito ng kandila at mag-aalay ng dasal hanggang matapos ang promulgasyon ni Judge Jocelyn Solis Reyes.
Reclusion perpectua o habambuhay na pagkabilanggo ang nais ng mga pamilya ng mga biktima ng masaker at mamamahayag na ihatol na parusa sa mga akusado.
Dapat din umanong magbayad ng malaking halaga ang pamilya Ampatuan sa pamilya ng mga biktima na brutal na pinatay ng mga suspek sa Sitio Masalay Brgy Salman Ampatuan Maguindanao.
Ngunit sigaw ng ilan sa mga kaanak ng mga hinuli at walang kinalaman sa madugong krimen sa kasaysayan ng halalan sa bansa na dapat ay pakawalan.
Dasal at hiling ngayon ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu sa panginoon na sana gabayan si Judge Jocelyn Solis Reyes sa kanyang tamang desisyon at maparusahan ang mga suspek.