-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Naglilibot na sa mga lalawigan sa bansa ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs) upang magsagawa ng mga webinar kaugnay sa seguridad ng coverage ng mediamen sa gitna ng pandemya at sa papalapit na eleksyon.

Ayon kay PTFoMs Usec. Joel Sy Egco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito ay dahil sa tumataas na kaso ng karahasan na kinasasangkutan ng media at politika kada eleksyon.

Dahil dito pinayuhan ng opisyal ang mga mamamahayag na maging maka-totohanan, accurate at objective sa paghahatid ng impormasyon at hindi pagpagamit sa mga politiko.

Paliwanag ni Egco na ang pagtanggap ng pera at pabor mula sa isang politiko ay karaniwang nagiging rason ng harassment at kung minsan ay nauuwi pa sa patayan.

Dapat aniya ay iwasan ang pagiging bias at ihayag lamang ang mga totoong impormasyon na dapat malaman ng publiko.VC_PTFOMs USec. Joel Sy Egco