CENTRAL MINDANAO – Walang atrasan at tuloy ang laban ng mga mamamahayag sa Central Mindanao para makamit ang hustisya sa pamamaril-patay kay Eduardo “Ed”Dizon.
Hiniling ng iba’t ibang organisasyon ng mga print at broadcast media sa Kidapawan City, North Cotabato at Cotabato City kay Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin ang mga taong may sala sa pagpaslang sa biktima.
Bago lang ay bumisita sa burol ni Dizon si Presidential Task Force on Media Security Usec Joel Egco at nakipagpulong sa pulisya para masiguro ang malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa brodkaster.
May mga person of interest na at mga taong nagbabanta sa buhay ni Dizon na pina-blotter nito sa pulisya na kasama sa mga iniimbestigahan.
May anggulo rin na posibling sinakyan ng ibang grupo ang batuhan ng isyu ng biktima laban sa ibang blocktime endorser ng mga investment scheme sa lungsod ng Kidapawan para patahimikin ito.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pinaigting pa ng mga otoridad ang imbestigasyon sa pagpatay sa biktima.