-- Advertisements --

Hinikayat ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mga hamon.

Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence.

Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan na siyang tema ng ating taunang selebrasyon.

Hangad ng opisyal na magsilbing hamon sa lahat ang mga pagsubok upang magkakatuwang na itaguyod ang mas masigla at maunlad na bagong Pilipinas sa hinaharap na panahon.

Kinilala rin nito ang malaking papel ng mga manggagawang Pilipino mula sa iba’t-ibang bansa, na bagama’t magkakalayo ay kaisa pa rin sa makabuluhang mithiin para sa lahat.