-- Advertisements --
Naglabas ng kanilang galit sa gobyerno ang mga residente ng Beirut matapos ang naganap na pagsabog.
Karamihan sa mga dito ang nagsabing nagpabaya ang kanilang gobyerno dahil sa kurapsyon at mismanagement.
Isa sa nagpahayag ng kaniyang galit ay si filmmaker Jude Chehab na dapat panagutin ang mga nasa likod ng pagpapabaya.
Nauna rito sinabi ni Lebanese President Michel Aoun na ang pagsabog ay galing sa bodega kung saan nakatago ang 2,750 na toneladang ammonium nitrate.
Dahil sa pagsabog ay umabot sa 137 katao ang nasawi at ikinasugat ng mahigit 5,000 iba pa.
May ilang port officials na rin ang inilagay sa house arrest habang sila ay iniimbestigahan.