-- Advertisements --
Ethiopian map
Ethiopia

Maraming mga mamamayan pa rin sa Ethiopia ang nagrereklamo matapos na mawalan ng internet access.

Mula pa kasi noong Hunyo 11 ay hindi makakonekta sa mga social media platforms na Whatsapp at Telegram ang mga mamamayan ng nasabing bansa.

Ang ibang mga naninirahan sa capital na Addis Ababa ay gumagamit na lamang ng VPN para maka-connect sa internet at magamit ang nasabing mga messaging platforms.

Maging nag pagpapadala ng text sa mga cellphone ay pahirapan pa rin.

Mula kasi ng maupo si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed ay naging paputol-putol na ang koneksyon ng internet sa bansa.

Marami ang nababahala dahil magdudulot ito ng negatibo sa pag-unlad ng kanilang bansa.