-- Advertisements --
HK PROTEST

Asahan pa raw ang mas malaking kilos-protesta ang magaganap sa mga susunod na araw sa malaking bahagi ng Hong Kong.

Kasunod ito sa patuloy na pagkontra ng maraming mga mamamayan doon sa panukalang batas na pinapayagang ang mga suspected criminals na ipadala sa mainland China para doon isagawa ang pagdinig sa kaso.

Ayon sa mga umalma sa panukalang batas na dapat ibasura na ang panukalang batas at magbitiw sa kaniyang puwesto si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.

Ipinaglalaban kasi nila na tila makukumpromiso ang dating British colony sa maling justice system ng China at madadamay ang judicial independence ng lugar.

Mula kasi nitong Sabado at Linggo ay umabot sa 1 milyon ang nagsagawa ng kilos protesta mula sa mga negosyante at estudyante.

Ilang mga katao rin ang inaresto ng mga kapulisan dahil sa pagsasagawa ng kaguluhan sa lugar.