-- Advertisements --

Ikinatuwa ng maraming mamamayan ng Sydney, Australia ang pagtatapos kanilang lockdowns.

Marami sa kanila ang nagdiwang dahil sa natapos na rin ang 107-day lockdowns.

Nagbukas na ang mga negosyo subalit tanging mga “fully vaccinated” lamang ang pinapapasok.

Tinapos na kasi ng Sydney ang lockdown matapos ang New South Wales ay nakaabot ng 70 percent ang naturukan na ng double vaccine.

Niluwagan na rin ang ilang restrictions sa mga bakunadong residente.