KALIBO, Aklan – Hati ang opinyon ng mga mamamayan sa lalawigan ng Aklan hinggil sa planong pagpapatayo ng casino sa isla ng Boracay.
Ito ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes, Agosto 26 dahil sa umano’y kakulangan ng pondo para sa pandemic response ng pamahalaan.
Kung ang ilang opisyal ay pabor sa planong tayuan ng casino ang Boracay, kontra naman dito ang mga residente, negosyante at simbahang katolika.
Katuwiran nila may kaugnayan ang ginawang paglilinis at rehabilitasyon sa isla noong 2018 at ang itinutulak ngayon na Boracay Island Development Authority (BIDA) bill sa ilalim ng Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) upang bigyang daana ng pagpasok ng mga dayuhang kapitalista kasama ang casino.
Magdudulot lamang anila ang casino ng negatibong epekto sa peace and order situation maliban pa na makakasira ito sa imahe ng isla na isang family-oriented destination.
Nauna dito, naniniwala si Malay Mayor Frolibar Bautista na ang casino ay makakapagbigay ng dagdag na kita at trabaho lalo na ngayong may pandemya.