Hindi patitinag ang mga mambabatas sa mga death threats na kanilang natatanggap bunsod sa nagpapatuloy ng imbestigasyon ng House Quad Committee kaugnay sa kontrobersiyal na operasyon ng POGO, EJK, Illegal drugs at human trafficking na iniimbestigahan ng Kamara in aid of legislation.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig ng quad comm nakatanggap na ng death threats ang mga mambabatas.
Dahil dito nakipag pulong si Rep. Co kay Police Security and Protection Group (PSPG) Director BGen. William Segun at PCol. Eleazar R. Barber Jr., para humingi ng dagdag na security upang matiyak ang seguridad ng mga congressmen.
Naninindigan ang mga mambabatas na ipagpatuloy ang kanilang trabaho para mabatid ang katotohanan sa likod ng iligal na operasyon ng POGO, EJK, illegal drugs at human trafficking.
Binigyang-diin ni Rep. Co na hindi biro ang trabaho na ito, araw -araw nahaharap sa peligro ang mga mambabatas na layong mabatid ang katotohan at mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.