-- Advertisements --
face mask hk

Kinondena ng mga pro-democracy lawmakers ang ang pormal na pag-anunsyo ni Hong Kong leader Carrie Lam nang tuluyang pagbabawal sa paggamit ng face mask sa lungsod.

Ito ay matapos gamitin ni Lam ang kaniyang Emergency Regulations Ordinance o emergency powers bilang pinuno ng Hong Kong para ipatupad ang bagong panuntunan.

Sinabi ni Lam na nahirapan umano siya na magdesisyon ukol dito ngunit ito raw ang matinding pangangailangan ng kaniyang lungsod upang ma-kontrol ang lumalalang kilos-protesta.

“Public order is at a very dangerous state, and violence is destroying Hong Kong,” saad ni Lam. “It’s not an easy decision, but it’s a necessary move under the current situation.”

Nilinaw naman nito na sa kabila nang pagpapatupad sa face mask ban ay hindi ilalagay sa state of emergency ang Hong Kong.

Nagbunsod sa ganitong desisyon si Lam dahil na rin sa paggamit ng mga anti-government protesters ng face mask upang itago ang kanilang pagkakakilanlan

Hindi naman ikinatuwa ng Civil Human Rights Front ang paggamit ni Lam sa kaniyang emergency powers.

Anila, dapat daw ay talikuran na ng kanilang gobyerno ang muling pagbuhay sa naturang colonial law na huling nagamit 50 taon na ang nakalilipas.

Maaaring makulong ng isang taon ang lalabag dito at magbabayad din ng HK$25,000 ($3,190).