Hinikayat ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na huwag nang e appoint sa mga bakanteng posisyong sa gabinete ang mga natalong kandidato sa eleksyon.
Ito ay matapos na mag expire ang one-year ban ng appointment sa mga natalo noong nakaraang eleksyon.
Ayon pa sa mambabatas, kinakailangan na raw talaga ng appointment lalong lalo na sa mamumuno sa Department of Agriculture na kasalukuyang pinamumunuan ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr.
Aniya, kailangan nang bitawan ng Presidente ang DA dahil marami na itong mga dapat asikasohin lalong lalo na sa international relations at ang tensyon sa West Philippine Sea.
Kabilang sa mga departamentong kailangan ng full-time secretaries ay ang health at national defense.
Nilinaw ni Rep. Rodriguez na wala umano siyang problema sa mga natalo, ngunit ang gabinete at iba pang government positions ay hindi raw dapat maging takbohan ng mga natalo sa eleksyon dahil maraming mga deserving at mas competent na indibidwal na kayang gawing ang trabaho.