-- Advertisements --

Pinuna ng mga mamababatas ang biglaang panukalang pagpapahinto ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Eduction (DepaEd) sa senior high school (SHS) program para sa mga state at local universities and colleges.

Sinabi ni Gabriela party list Rep. Arlene Brosas na mabigat na pasanin para sa mga mag-aaral, magulang, guro, at iba pang empleyado sa mga State Universities ang Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (SUCs) na apektado ang biglaang pagpapatigil sa SHS program.

Mapipilitan ang mga studyante na mag-enrol sa mga pribadong paaralan, kung saan kinakailangan nilang magbayad ng mas mahal na matrikula, aniya.

Iginiit din ni Makabayan lawmaker, ACT Teachers party list Rep. France Castro na dapat daw humingi muna ng konsultasyon ang dalawang ahensya sa mga stakeholders nito bago maglabas ng memorandum.

Kwinestyon din ni Kabataan party list Rep. Raoul Manuel ang pagpayag ng CHEd at DepEd na mag-enrol ang 17,751 na grade 11 sa mga SUCs at LUCs, gayung ipapatigil lang naman ng mga nabanggit na ahensya ang SHS program.

Tungkulin ng gobyerno ang makapagbigay-edukasyon sa mga mag-aaral, imbes na pahirapan pa ang mga ito, dagdag pa ni Manuel.