-- Advertisements --
Nanumpa na ang 100 mga mambabatas sa US Senate na siyang napiling maging jurors sa impeachment case ni President Donald Trump.
Pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts ang panunumpa ng mga mambabatas para matiyak na maging patas ang imbestigasyon.
Pormal na magsisimula ang impeachment hearing sa Enero 21.
Matapos manumpa ay pumirma sila sa isang libro na nagpapatunay na nandoon sila.
Agad naman na-adjourn ni Republican senate leader Mitch McConnel ang pre-trial proceeding at inanunsiyo ang pagsisimula ng pagdinig sa Enero 21.
Inakusahan kasi si Trump ng abuse of power at obstruction of Congress na nauna naman nitong itinanggi.