Naging simple lamang ang mga kasuotan ng mga mambabatas na dumalo sa ikalimang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng hapon.
Bago kasi ang SONA ay binuksan ang ikalawang session ng 18th congress.
Kung ang mga karamihang mga lalaking mambabatas ay nakasuot lamang na simpleng barong ay kapansin-pansin naging kasuotan ng ilang mga babaeng senador.
Kapwa nakasuot na puti sina Senator Grace Poe at Senator Risa Hontiveros habang si Senator Nancy Binay ay mas pinili ang magsuot ng iña cocoon ruffled top na gawa ni Randy Ortiz na pinaresan niya ng itim na slacks.
Nakasuot rin ng slacks si Senator Pia Cayetano na may pang-itaas na kulay asul.
Nakasuot naman ng kanilang mga “protest fashion” ang ilang mga mambabatas ng mababang kapuluangan ng kongreso.
Nakasuot ng barong Tagalog si Bayan Muna Representative Carlos Zarate na may naka-guhit na pagbabasura ng Anti-Terror Act of 2020.
Nakasulat naman sa mga sashes ng kanilang advocacies ang suot nina ACT-Teacher Party-List Rep. France Castro at Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago.
Gawa naman ni Ivarluski Aseron ang suot ni Department of Tourism Secretary Beranadette Romulo-Puyat.