-- Advertisements --

Nagpasa ng panukalang batas ang mga mambabatas ng United Kingdom na nag-aatas kay Prime Minister Theresa May na hilingin sa European Union na paliwigin ang deadline ng kanilang Brexit.

Nakakuha ng 313 kontra 312 ang panukalang batas para sa no-deal Brexit.

Nangangahulugan ito na dapat agad na gumalaw si May para mailigtas ang kaniyang Withdrawal Agreement na ito ay magtatapos hanggang Abril 12.

Tinawag naman ng mga kaalyado ng Prime Minister na ang ginawa ng mga Members of Parliament ay magdudulot ng kalituhan sa kanilang konstitusyon.

Habang dumepensa naman ang pumabor sa pagpasa ng panukalang batas at sinabing nais nila ang pagkakaroon ng malinaw na kasunduan bago tuluyan silang umaklas sa European Union.