-- Advertisements --

Desidido ang mga mambabatas sa New York na maghain ng impeachmen laban kay Governor Andrew Cuomo.

Kasunod ito sa imbestigasyong kinakaharap ni Cuomo na pang-aabuso sa mga kababaihan na karamihan ay mga staff nito sa opisina.

Karamihan mga state assembly ang pabor sa impeachment na siyang ikakatanggal ni Cuomo.

Mariing pinabulaanan naman ni Cuomo ang nasabing alegasyon.

Magugunitang mismong si US President Joe Biden at Speaker of the House Nancy Pelosi ang nanawagan na magbitiw na sa puwesto si Cuomo.