Nagpasya ang mga mambabatas ng Spain na palawigin pa ng hanggang dalawang linggo ang kanilang state of emergency.
Nasa mahigit walong linggo na kasi ng ipinatupad ng gobyerno ang nation-wide lockdown para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa ginawang botohan mayroong 178 ang pumabor na palawigin pa ang state of emergency, 75 sa kanila ang kumontra at 97 ang nag-abstain.
Dahil sa nasabing resulta ng botohan ay mananatili ang state of emergency ng hanggang Mayo 23.
Nagbabala naman si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na magiging delikado pa sa kanilang bansa kapag tinanggal na ang lockdown dahil tiyak na darami ang mga madadapuan ng virus.
Pumalo na kasi sa mahigit 220,000 ang nadapuan ng virus kung saan mahigit 25,000 na ang nasawi.