Ikinatuwa ng ilang senador ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, na inaasahan na niya ang pagsibak ng pangulo kay Faeldon at dapat ang ibang mga opisyal ay dapat na rin magbitiw.
Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson na nararapat lamang ang ginawa ito ng pangulo dahil sa malaking kahihiyan na dulot ni Faeldon.
Kapwa pabor din sina minority senators Franklin Drilon at Francis Pangilinan subalit dapat ay hindi na ito mailipat pa sa ibang ahensya.
Suportado naman ni Senator Bong Go ang pahayag ng Pangulo na dapat ibalik sa mga kulungan ang hindi ‘deserving’ na mabigyan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Naniniwala naman si Speaker of the House Alan Peter Cayetano na ang pagsibak kay Faeldon ay bilang patuloy na paglaban ng pangulo sa mga opisyal na nasasangkot sa kurapsyon.
Magugunitang sinibak na ni Pangulong Duterte si Faeldon dahil sa usaping GCTA kung saan muntikan na ang pagpapalaya sa convicted rape-killer Antonio Sanchez.