-- Advertisements --
20200916 115214

Labis na ikinatuwa ng mananampalataya ang muling pagbubukas ng Manila Cathedral matapos ang anim na buwan dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa mga mga churchgoers, mas nararamdaman pa rin daw kasi nila ang eucharistic celebration kapag nasa loob sila ng simbahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay mang Peter Paragas, nagpapasalamat ito sa naging pasya ng Inter Agency Task Force (IATF) na muling buksan ang Manila Cathedral at tinaasan ang sitting capacity.

IMG 20200916 120312

Pero ang pagluwag sa restrictions sa religious gatherings sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) gaya ng Metro Manila ay 10 percent lang ng total capacity ang papayagan sa loob ng simbahan.

Sa Manila Cathedral, 800 ang sitting capacity nito kaya 80 lang ang papayagan kada holy mass ayon kay Fr. Kali Pietre Llamado, Vice Rector ng cathedral.

First come first serve ang basis pero marami namang isasagawang misa.

20200916 115214

Ang schedule ng misa tuwing Lunes hanggang Biyernes ay alas-7:30 ng uamaga at 12:10 ng katanghalian.

Sabado alas-7:30 lang at kapag linggo alas-8:00 at alas-10:00 ng umaga habang isang misa lang ang isasagawa sa gabi dakong alas-6:00.

20200916 115656

Mahigpit pa rin naman ang pagsunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields kapag papasok sa loob ng simbahan.