Inihayag ng Labor group na Kilusang Mayo Uno na dapat tiyakin ng mga employer at ng gobyerno na ang mga manggagawa ay protektado mula sa matinding init ng panahon at tagtuyot. Kasabay nang panawagan nito para sa expanded coverage ng labor department guidlines para sa mga hakbang tulad ng temperature control at water break.
Umabot sa 40ºC ang heat index noong nakaraang linggo, na nag-udyok naman sa pagsuspinde ng mga in-person classes sa ilang lugar sa Pilipinas, kasabay ng pagbabala ng state weather bureau na maaaring tumaas pa ang temperatura.
Ayon kay KMU secretary general Jerome Adonis,responsibilidad ng gobyerno at mga employer na tiyakin na ang mga manggagawa ay ligtas habang nagtatrabaho.
Kung matatandaan, ang Department of Labor and Employment ay naglabas ng Labor Advisory No. 8 noong 2023 na nagrerekomenda ng mga hakbang upang matulungan ang mga manggagawa na harapin ang matinding init, kabilang ang:
- Pagpapahintulot sa damit na angkop sa temperatura at pagbibigay ng libre at sapat na inuming tubig
- Pagtiyak ng sapat na bentilasyon at heat insulation sa mga lugar ng trabaho
- Pagsasaayos ng mga oras ng pahinga o lokasyon ng trabaho