Masayang inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makakatanggap ng dagdag sahod ang mga manggagawa ng Calabarzon at Central Visayas.
Ayon sa Dole na makakatanggap mula P21 hanggang P75 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa ng Calabarzon.
Habang mayroong P33 hanggang P43 sa kada araw ang dagdag na sa arawang sahod ng mga manggagawa ng Central Visayas.
Magiging epektibo sa Setyembre 30 ang bagong dagdag sahod sa Calabarzon habang sa Central Visayas ay magiging epektibo ito sa darating na Oktubre 2, 2024.
Nangangahulugan nito na mayroong P450 hanggang P560 na ang mga minimum wages ng non-agriculutural sector at P425 – P500 sa agricultural; at P425 sa mga retail at service establishiments na may mahigit na 10 empleyado sa Calabarzon.
Sa Central Visayas naman ay mayroong P458-P468 hanggang P501 sa mga Class A ; P425-P430 hanggang P463 sa Class B at P415-420 hanggang P453 sa Class C.