Inanunsyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) of Central Luzon na makakatanggap na ng P40 dagdag na arawang sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa 7 probinsya ng rehiyon epektibo sa Oktubre 16.
Ang naturang wage order ay inilathala ngayong araw ng Sabado, Setyembre 30.
Ayon sa regional wage board, ang arawang sahod para sa mga manggagawa sa non-agricultural establishments sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ay may dagdag na P500 mula sa kasalukuyang P460 para sa mga establishimentong mayroong 10 o higit pang empleyado habang P493 naman ang magiging arawang sahod na mula sa kasalukuyang P453 para sa mga may mas mababa sa 10 empleyado.
Para naman sa mga plantation worker, tataas na ang kanilang sahod sa P470 mula sa kasalukuyang P430 at para sa non-plantation naman ay magiging P454 na mula sa P414.
Sa mga empleyado sa retail at service establishments na may 10 o mas mababa pa ay magiging P489 na ang arawang sahod habang P475 naman sa mga establishimentong mas mas mababa sa 10 ang empleyado.
Sa probinsiya naman ng Aurora, ang mga manggagawa ay may dagdag sahod na P40 kada araw. Sa non-agricultural establishments ang bagong daily wage ay itinakda sa P449, habang sa agricultural firms, ay magiging P434 at P384 naman sa retail and service establishments.