-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang libong manggagawa sa Indonesia.

Idinadaing nila kasi ang bagong batas na nakakasira sa mga manggagawa at sa kalikasan.

Nasa 400 na rin na mga protesters ang inaresto ng mga kapulisan sa Jakarta at sa lungsod ng Bandung.

Ang omnibus jobs creation bill ay isang uri ng panukalang batas na nagdudulot ng pagrelax sa business, labour at environment laws na target na hikayatin ang investment at economiya.

Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo layon ng batas na matanggal ang mga red tape at pagbubukas ng ekonomiya sa mga foreign investment.