-- Advertisements --

Hahanapan ng gobyerno ng Italy ang lahat ng mga empleyado ng COVID-19 “green pass” o patunay na sila ay bakunado na o ang mga negative test results.

Ang Italy ang siyang una sa Europa na nagpatupad ng nasabing hakbang.

Mahaharap sa suspension mula sa trabaho at hindi sila mababayaran ng sahod ng hanggang limang araw.

Sisimulan ang nasabing pagpapatupad nito sa darating na Oktubre 15.

Nauna ng hinahanap ang green pass certificate para sa COVID-19, digital man o printed, sa mga train stations, sinehan, restaurants, gyms at swimming pools sa Italya.