CENTRAL MINDANAO-Walang kakarampot na wage increase ang mga manggagawa sa SOCCSKSARGEN sa mga pribadong sektor.
Maraming mga manggagawa lalo na sa North Cotabato at Kidapawan City ang dismayado dahil walang umento sa kanilang sahod.
Ngunit ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE-12) Regional Director Sisinio Cano na walang tinanggap na petisyon para sa wage increase ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB mula sa alinmang grupo.
Kaya walang aaasahan na umento sa sahod ang mga trahabante sa pribadong sektor.
Tiniyak naman ng opisyal na patuloy na inaalam ng board kung may supervening condition o dahilan para ipatupad ang wage increase.
Nilinaw ni Cano na kabilang sa mga socio-economic indicators na ito ay ang labis na pagtaas sa mga presyo ng mga bilihin.
Ang pinakahuling wage order sa rehiyon-12 ay higit isang taon na.