CENTRAL MINDANAO – Dismayado ang ilang manggagawa sa SOCCSKSARGEN na nagtatrabaho sa pribadong sektor matapos na hindi tinaasan ang kanilang sahod.
Ngunit ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE-12) Regional Director Sisinio Cano, wala natanggap na petisyon para sa wage increase ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) mula sa alinmang grupo sa naturang rehiyon.
Dahil dito, wala aniyang dapat asahan na umento sa sahod ang mga manggagawa mula sa pribadong sektor sa Region XII.
Tiniyak naman ng opisyal na patuloy na inaalam ng board kung may supervening condition o dahilan para ipatupad ang wage increase.
Nilinaw ni Cano na kabilang sa mga socio-economic indicators na ito ay ang labis na pagtaas sa mga presyo ng mga bilihin.
Ang pinakahuling wage order sa rehiyon-12 ay higit isang taon na.