-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Patuloy ang paalala ng Provincial Disaster Risk Reduction Managent Office (PDRRMO) ng Southern Leyte sa publiko na iwasan muna na maglayag dahil sa peligrong hatid ng Bagyong Tisoy.
Ginawa nila ito matapos na makatanggap ng ulat na isang sasakyang pandagat ang lumubog sa bahagi ng Macrohon, Southern Leyte.
Sinabi ni Danilo Atienza ng PDRRMO Southern Leyte, nagpumilit daw ang isang mangingisda na pumalaot kahit pa masama ang lagay ng panahon.
Kalaunan ay bumaligtad ang bangkang sinasakyan ng naturang magningisda matapos hampasin ng malakas na alon nang pabalik na sana sa pangpang.
Agad namang nasagip ang biktima at nasa ligtas na ang kalagayan nito sa ngayon.