-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nasa maayos nang kalagayan ang mga residente sa Iloilo Province na apektado ng bagyong Dante.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jerry Bionat, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, sinabi nito na nakauwi na sa kanilang bahay ang 169 na pamilya o 527 na mga indibidwal na inilikas sa Balasan, Iloilo.

Samantala, nakauwi na rin ang dalawang mangingisda mula sa Batad, Iloilo na inanod patungo sa Daanbantayan, Cebu.

Labis naman ang pasasalamat ng magkapatid na mangingisda dahil kahit na nasiara ang kanilang bangka ay nakauwi sila ng buhay.