-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Naniniwala si Cato, Infanta Brgy. Chairman Napoleon Domalanta na nagkakaroon ng kumpitensya sa pagitan ng mga Pinoy na nangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea (WPP).
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sinabi ni kapitan ng barangay na lang kasi mga taga-Pangasinan ang nagpupunta sa bahaging iyon kundi maging ang mga mangingisda sa Zambales at Mindoro.
Posibleng tinatakot lang ng mga ito ang mga kapwa mangingisda upang hindi na magtangkang pumunta sa lugar.
Nauna na ring sinabi ng Northern Luzon Command na hindi pa kumpirmado ang mga ulat na panggigipit sa mga mangingisdang Pinoy sa Panatag Shoal.