-- Advertisements --
Maraming mga mangingisad sa Mariveles, Bataan ang takot pa ring mangisda sa Scarborough Shoal.
Ito ay dahil umano sa pagpapatupad ng China ng fishing ban sa West Philippine Sea.
Dahil dito ay sa kabilang lugar na sila nangingisda gaya ng Mindoro.
Naunang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na dapat ituloy pa rin ng mga Pinoy fishermen ang kanilang pangingisda sa West Philippine Sea matapos na maghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa ipinatupad na fishing ban ng China mula Mayo 1 hanggang Agosto 16.