-- Advertisements --

Sasalang ngayon sa pagtatanong ng mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 22 mangingisdang Pinoy na biktima ng pananagasa ng hinihinalang Chinese vessel sa Recto Bank na nasa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo, maaga pa nitong Biyernes ay nag-abang na ang mga imbestigador nila sa pantalan ng Mindoro, na daungan ng barkong sinakyan ng Pinoy fishermen.

Kabilang sa aalamin ang kondisyon ng mga ito, sitwasyon bago nangyari ang insidente at ang pagkakaligtas sa kanila.

Hangad ni Balilo na matuldukan ang mga espikulasyon, ngayong umusad na ang kanilang pagsisiyasat.