-- Advertisements --

Inihayag ng Canned Sardines Association of the Philippines na makikipagpulong ito sa Department of Trade and Industry para pag-usapan ang kanilang kahilingan para sa pagtaas ng suggested retail price (SRP).

Sinabi ni CSAP executive director Francisco “Bombit” Buencamino, ang sektor ay na-stuck sa July 2021 SRP habang ang mga presyo ng gasolina, na mahalaga sa panghuhuli ng isda gamit ang mga bangkang pangisda, ay patuloy na tumaas nitong mga nakaraang linggo.

Dagdag pa niya, na nagpatawag ang DTI para sa isang pagpupulong.

Hindi na niya ibinunyag kung magkano ang kanilang panukalang pagtaas ng presyo.

Samantala, naunang sinabi ng DTI na pinag-aaralan pa nila ang mga petisyon para sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.