-- Advertisements --

Makakatanggap ng libreng health and accident insurance ang mga market vendors ng Pasig City.

Ayon sa Pasig City Government na lahat ng mga lehitimong market vendors ay kasali sa nasabing insurance na nagkakahalaga ng P32,000.

Sakop ng insurance ang pagkakasawi o pagkabaldado sa anumang uri ng aksidente.

Kabilang din dito ang pagkakasakit gaya ng COVID-19.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto na paraan ito ng pagtulong nila sa mga vendors na labis na naapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic.