-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na narekober sa nakaraang araw sa layong lugar sa Barangay Kolambugan, Sibagat, Agusan del Sur ang pinaglalagyan sa mga materyales sa paggawa ng landmine, mga bala at iba pang suplay sa rebeldeng New People’s Army o NPA.

Matapos nakatanggap ng impormasyon galing sa concerned citizen, kaagad na rumesponde ang tropa galing sa 65th Infantry Battalion, Philippine Army ilalim sa operational control ng 901st Infantry Brigade kungsaan natagpuan ang pinaglalagyan ng cache at narekober ang isang generator set, 15 bala sa 5.56mm ball para sa M16A1, 30 bala ng AK45, 15 bala sa Cal. 50, 2 magazines sa M16A1, isang magazine sa AK47, 125 blasting caps, 150 metro ng detonating cord, 20 kilo nang explosibong materyales at iba’t ibang subersibong dokumento.

Ayon kay LT.Col. MICHEL G MORTEJO, Commanding Officer ng 65IB Philippine Army ang nasabing pagkadiskubre ay nagpapatunay sa patuloy na paglabag sa kabilang grupo sa International Humanitarian Law dahil sa paggawa ng anti-personnel mines.