-- Advertisements --
PCSO lotto tickets

Maaari pang makuha ng mga may hawak ng lotto winning tickets ang kanilang premyo sa kabila ng kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatigil sa lahat ng mga gaming activities ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO).

Ayon sa PCSO, simula ngayong araw Hulyo 29 ay maaaring makuha ng mga mananaya na may hawak ng winning tickets ang kanilang premyo sa kanilang head office.

Bukas ang kanilang tanggapan sa Conservatory Building, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City mula alas-8:15 a.m hanggang alas-4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Nauna rito ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang pagpapatigil sa lahat ng mga operasyon ng PCSO sa buong bansa dahil sa umano’y talamak na kurapsyon.

“Pursuant to the order of President Rodrigo Roa Duterte, all gaming activities of PCSO are currently suspended until further notice,” bahagi ng advisory ng PCSO. “May we inform the public that prizes, regardless of amount, of all LOTTO AND KENO winning tickets, which are valid within one (1) year from the draw date can be claimed at the PCSO Head Office, Conservatory Building, Shaw Boulevard in Mandaluyong City from 8:15 a.m. to 4:30 p.m., Monday to Friday, starting July 29, 2019.”