-- Advertisements --
Itinuturing ng World Health Organization (WHO) na ang HIV ay isang mapanganib na dahilan para magkaroon ng matinding COVID-19.
Base kasi sa pananaliksik ng WHO na ang mga mayroong virus na nagdudulot ng AIDS ay nagiging sanhi rin para sila ay madala sa pagamutan dahil sa COVID-19.
Hindi naman aniya malinaw ang ugnayan sa pagkakaroon ng HIV na magkaroon ng COVID-19 severe illness at death dahil maraming mga pasyente ang dumaranas din ng ibang sakit gaya ng high blood pressure at obesity.
Inamin naman ng United Nations’ UNAIDS program na naantala ang kanilang HIV diagnosis at treatment services dahil sa COVID-19 pandemic.