Hinikayat ngayon ni Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr. ang publiko ang mga personalidad na may impormasyon sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na makipagtulungan sa mga otoridad para agad malutas ang kaso.
Sa isang statement “, sinabi ni Galvez na ggagamitin daw lahat ng gobyerno ang kanilang hawak na impormasyon na kanilang makakalap para makuha ng bawat isa ang hustisya na kanilang hinahangad.
Mayroon na rin umanong joint special task force na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) atPhilippine National Police (PNP) na nagkaisa para bumuo ng command center na mas accessible sa mga sibilyan.
Siniguro rin ni Galvez ang patuloy na suporta ng AFP sa special task force alinsunod sa verbal instructions ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para matuldukan ang lawless violence sa Negros Oriental.
Kasama naman ni Galvez si AFP chief of staff Gen. Andres Centino at PNP officer-in-charge Lt. Gen. Rhodel Sermonia na tuturok sa task force
Itinalaga naman si National Bureau of Investigation chief Medardo de Lemos bilang task force commander.
Tiniyak naman ni Sermonia, ang buong kooperasyon ng PNP sa iba pang ahensiya ng pamahalaan maging sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagpaslang sa gobernador at walong nadamay sa krimen.