Nagpatupad na umano ng mga hakbang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masupil ang bantang dala ng “SPARU” (Special Partisan Unit) ng New People’s Army (NPA).
Pahayag ito ni AFP spokesperson BGen. Edgard Arevalo bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat umanong bumuo ng hit squad ang militar at pulisya upang malabanan ang banta mula sa mga komunistang rebelde.
Ayon kay Arevalo, mayroon na umanong mga “overt at covert measures” ang sandatahang lakas para sa mga pinaplanong assasination plot ng NPA.
Pinaigting na rin aniya ng AFP ang intelligence operations ng mga unit na nagmo-monitor at sumusubaybay sa mga NPA fighters sa urban areas.
“We will take necessary precautions individually and as an organization to protect ourselves, at the same time to proactively engage or hunt down the NPA’s SPARU,” wika ni Arevalo.
Sa hanay naman ng pulisya, sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac na sasalig umano sila sa Police Operational Procedures (POP) ukol sa mga dapat gawin sa mga threat groups.
Ang POP rin umano ang magsisibling gabay ng lahat ng mga pulis para sa pagsasagawa ng mga operasyon, kung saan kasama na rito ang pagpapahalaga sa karapatan at buhay kahit sa kalaban ng estado.
“The PNP will maintain a high level of preparedness to fulfill its sworn duty and prevent any threat of terrrorism based on the existing police operational procedures, respect on human rights and in valuing life,†ani Banac.