-- Advertisements --
Ed Dizon
Ed Dizon

(Update) CENTRAL MINDANAO – Mariing pinabulaanan ni Jun Jacolbe ng Radyo Natin at Ronda Teleradyo na sangkot siya sa pagpatay kay Eduardo “Ed” Dizon ng Brigada News FM Kidapawan City.

Bumili lang umano siya ng gamot at kape sa botika nang makunan ng CCTV at idinawit sa krimen.

Aniya, hindi nga niya kayang pumatay daw ng hayop, tao pa kaya.

Giit pa nto, kaibigan niya si Dizon.

Labis umanong nasaktan si Jacolbe nang isangkot siya sa pagpatay kay Dizon dahil inosente raw siya at walang kinalaman sa krimen.

Kahit daw sa radio at Facebook ay wala siyang inaatake.

Kahit hirap sa buhay ay napilitan si Jacolbe na kumuha ng abogado para sa kanyang counter-affidavit at ipagtanggol ang kanyang sarili.

Dizon slay case

Maliban kay Jacolbe idinawit din sa pagpatay kay Dizon ang isa pang kagawad ng media na si Dante Tabosares alyas Bong Encarnacion na head ng media team ng KAPA na hanggang ngayon ay hindi pa nagkokomento nang ituro siya na utak daw sa krimen.

Una rito, mismong si Undersecretary Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security ang naglabas ng mga pangalan ng mga suspek sa ginawang press conference kamakailan sa Malacanang basi sa kuha ng CCTV at pahayag ng mga testigo.