-- Advertisements --

Dumistansya ang ilang Republican senators sa ipapatupad na media ban sa gagawing Republican Naitonal Convention sa Charlotte, North Carolina.

Gaganapin ito simula Agosto 21 kung saan dito tatanggapin n US President Donald Trump ang kaniyang 2020 Republican presidential nominee.

Sinabi ni Republican National Convention Communication director Michael Ahrens na bagamat wala pang pinal na desisyon ay malaki ang posibilidad na maganap ito dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Tiniyak naman nila na mayroong livestream ito kung saan mapapanood ng mga tao ang mga kaganapan sa Trump nominations.