-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nababahala na ang mga kasapi ng media sa Afghanistan kasunod ng pag-alis ng US troops at pormal nang pamumuno ng Taliban fighters sa Kabul.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mir Wais Jalalzai, Afghan journalist at war correspondent, sinabi nito na nawala na ang freedom of the press na kanilang tinatamasa.

Ayon kay Jalazai, nababahala na sila sa kanilang buhay dahil hindi sila maaaring magbalita ng mga impormasyon na tumutuligsa sa Taliban.

Anya, nagbabala na si Taliban spokesman Zabihullah Mujahid na lahat ng mga ibabalita ay dapat naaayon sa Islamic law.