-- Advertisements --

Dumating na sa Qatar ang mataas na opisyal ng US para sa panibagong round ng peace talks.

Makikibahagi ngayon sa pag-uusap si White House Middle East adviser Brett McGurk na nasa Doha, Qatar na.

Magugunitang kinabibilangan ng US, Qatar at Egypt ang peace talks na sila ang nagsisilbing mediators para mapapayag ang Hamas at Israel sa peace deals.

Una ng tiniyak ng mga mediators na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para mapapayag ang Hamas at Israel.