-- Advertisements --
NTC Office Quezon City

Nilinaw ng National Telecommunications Commission na hindi pinayagan ng batas na magrehistro ng sariling sim card ang mga menor de edad sa bansa.

Inihayag ni Edgardo Cabarios, National Telecommunications Commission consultant na ipapangalan nalang sa magulang ang mga sim card na pagmamay-ari ng minor at kailangan ay may written consent.

Dagdag pa nito na pwedeng ang guardian din ang magregister para sa isang menor de edad.

Magugunitang, naglabas ng implementing rules and regulations (IRR) kamakailan ang National Telecommunications Commission para sa SIM card registration, kung saan kailangang irehistro ang SIM simula Disyembre 27 para maiwasang ma-deactivate ito sa susunod na taon.