-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakatakdang isailalim sa counseling ang dalawang bata na sinubukan umanong dukutin ng tatlong suspek sa Barangay Sta. Niño, Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Erwin Borja ng Barangay Sto. Niño, sinabi nito na na-trauma ang dalawang bata dahil sa pangyayari.

Sa hiwalay na panayam kay Police Staff Sgt. Eleno Calongui, sinabi nito na nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima para sa karampatang disposisyon.

Sa ngayon, tumanggi muna ang mga otoridad na ipakilala ang mga suspek para hindi maapektuhan ang ginagawang malalimang imbestigasyon.

Maliban dito, inaalam din ng mga pulis kung konektado ang mga suspek sa malaking sindikato.

Una rito, pauwi na ang mga bata ng tangakang ipasok sa isang pick-up ngunit mabilis naman ang mga itong nakatakas.