-- Advertisements --

Pagbabawalan ng makalabas ang mga menor de edad sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos jr, na simula Marso 17 ay hindi na papayagang lumabas sa kanilang bahay ang mga may edad 18-anyos pababa.

Ito aniya ang napapgkasunduan sa ginagawang pagpupulong ng mga alkalde sa Metro Manila.

Lahat aniya ng 17 mga alkalde ay nagkasundo sa nasabing usapin.

Ang hakbang aniya ay para hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay iminungkahi ng gobyerno na payagan ng makalabas ang mga nasa edad 15 hanggang 17.